Nov
7
Colds are not allowed on me
November 7, 2009 | | Leave a Comment
Oh my God!
I have colds right now, and I can’t attend classes tomorrow.
Sayang, I have many things to do pa naman sa Monday.
Aug
24
I’ve fall in crush with another girl three months
August 24, 2009 | | Leave a Comment
Hindi ko maintindihan ang feelings ko ngayong mga nakaraang araw. Kasi naman eh, patay na patay talaga ang puso ko sa kanya. Naalala ko pa ung first text niya sakin sa second number ko sa Smart, at du’n na ako kinilig at inisip ko na naging crush ko na siya.
Sana kung mabasa mo ito, wag kang magagalit kasi hanggang paghanga lang naman ang tingin ko sa iyo eh. Talagang dead na dead na ako seo, mas nakamamatay pa sa A(H1N1) virus at mga pandugong saksakan at barilan sa Basilan.
Matagal na kitang gusto, pinapangarap ko nga yun eh. Pero wag muna sa BF-GF issue. Kagaya din ng mga babaeng gusto kong maging GF sana, hanggang crush lang ako sa kanila.
Aug
6
Migrane within projects
August 6, 2009 | | Leave a Comment
Well, I updated my blog site at last!
This is because I’m busy with my studies. Although it was failing, I try to get serious on study the assigned subjects to us. Then, I had three-week migrane since July 20 up to present. I had many projects that needed to be finished soon before the deadline, because I’m the sponsor again and again on my sister’s and niece’s birthday this coming Augusts 15-16.
I have many projects so that’s why I’m not opening my Friendster blog. Ok, this is just an update because I don’t want to make my blog rotten again and again.
May
29
School Opening Rush
May 29, 2009 | | Leave a Comment
Malapit na naman ang pasukan, and I’m sure na marami na ang aligaga ngayon sa kani-kanilang gawain for the incoming June. Well, ako may plano na ako.
May mga plano na ako na maaaring gayahin ng iba, tulad ng name platings, schedules ng pagbili ng gamit sa school, paglalaba ng bag at uniforms, preparations at iba pa. Pero syempre, inaalala ko ang magiging gastusin para sa pasukan.
Grabe ang libro namin ngayon, mahigit five thousand and eight hundred twenty two pesos ang kabayaran ng mga libro. Pa’no naman kasi eh, pati pala journals ng social studies at science ay two hundred pesos kada subject journals. Tapos, isama mo pa ang activity sheets na dating five hundred pesos na naging six hundred pesos dahil siguro sa isang important matter na hindi ko alam na alam ng iba. Then, mura lang naman ang mga bagong school supplies ko na halos new inventory lang, at nirerecycle ko ang mga old inventories ko. May ibang bagay akong kailangang I-upgrade kagaya ng sapatos, socks, uniforms, name patch and logos, underwears, at iba pa. Syempre, hindi ako ang maglalaba ng lahat ng iyon, kasi may labandera kami na asawa ng driver namin. Magaling siyang maglaba and I’m sure na pagbubutihan niya ang paglalaba, and ako syempre ang magco-contribute ng mga gagawin para sa sarili ko. Ayokong aasa pa ako sa mga muchachas out there na mga shonga-shonga kung mag-isip.
And then, sa June na ako maghahanap ng libro sa Recto, Manila na gagamitin ko sa pag-aaral ko, eh mura daw kasi ang mga libro doon, at tsaka puro half price lang doon. Puwede namang bumili sa labas ng school ng libro, kahit nga ‘secondhand serenade’ pwede eh, basta makakatipid ka lang para sa ganoon ay menos gastos. Ung items 11-15 na lamang ang bibilhin ko para sa incoming June 15, para may notebooks akong matatanggap kasi iyon talaga ang policy.
Sana nga suwertehin ako sa darating na May 23, Saturday. Sumali kasi ako sa Let’s Vault In ng Eat Bulaga eh. Eh kung papalarin, mabibili ko na ang lahat ng libro na iyon sa school, or sa Recto para naman hindi maubos. Then, bukod sa twenty thousand pesos daw, may five thousand gift certificates na ipamimigay daw na galling ng National Bookstore. Sabi kasi ng madir ko, sumali daw ako sa mga promos ng GMA7 para baka sakaling manalo ang family namin.
So, eto muna ang pangatlong post ko ngayong 2009, kasi napapanis na ang mga dati kong blog kaya Inerase ko na iyung lahat dahil panis na ang mga delata.
Meaning:
- secondhand serenade (mga ginamit na ng first user, preceeder ng nasabing gamit. Puwedeng gamitin. Meaning, second hand use.)
May
29
Gangsters are not allowed in the family
May 29, 2009 | Tagged gangster | Leave a Comment
Dapat February 2009 ko pa ito nai-post, kaya lang eh tinatamad akong magbukas ng Friendster blog ko nung February kaya aun, eto at gumagawa ng bagong issues tungkol sa mga kaganapan this year mula January to May 2009.
This story ay tungkol sa isang taong malapit sa akin na ginawang walang isip ang kanyang sarili, at nagparaya sa lovelife, academics, trabaho at iba pa. Dahil doon ay naganap ang isang hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng mga Rodriguez (clan’s maiden name nmin yan lahat, mula sa Adriano family hanggang sa kahuli-hulihang family) at sa aming mga Eumague.
Ipinapakilala ko nga pala si Josam Alivio, isang batang napariwara ang buhay dahil ang estadong conservative niya ay nabago ng isang hindi kanais-nais na hindi nagugustuhan ng family members ko, especially sa amin ng madir ko. Ayaw namin kasi ang style niya kung manamit kapag nagtatrabaho at gumagala, ang mga kanta niya na kahit alam ko ay ayaw ko dahil sensitibo ang tainga ko sa rocks, pinipili ko lang ang mga magaganda ang quality ng rock melodies. Ayaw rin namin ng mama at papa ko ang ibang ugali niya. Ibig sabihin, gangster siya. Kagaya siya ng mga gangsters na naglipana sa CaloocanCity, lalung-lalo na sa SM Homes sa kanyang termino.
Twing umaga, sisigawan siya ng mama ko na gumising na dahil tanghali na at kailangang magbanat ng buto, syempre para may sweldo siya sa karaniwang buhay, ang iba ay maipangtutustos sa pag-aaral ko, iipunin ng mother and father ko sa kanilang pagtanda, at iba pang bagay na ibig iutos ng mama ko. Everyday iyon, hanggang humantong na sa paglalakwatsa or paggagala sa iba’t-ibang lugar. Dumadayo lang ang pinsan ko para kumain, pero pagkatapos ay mawawala nang parang bula. Pero minsan, kapag mahaba ang oras niya, siya mismo ang pinaghuhugas ko ng pinggan kasi dahil ayaw kong mabasa ako masyado ng tubig dahil nagkakaroon ako ng sipon na kagaya ng sa karaniwan, or sinusitis. Mahirap ang kalagayan ko kapag may sakit ako. Tapos, ayaw ko ring pinaghuhugas ang mama ko dahil matanda na at masisira ang manicure na ginagawa ng sister ko sa twing napapansin niyang wala nang kulay ang kuko ng mama ko. At lalung-lalo na sa tatay ko, ayaw niyang naghuhugas ng pinggan dahil brusko pero hindi naman masyado, ayaw talaga ng tatay kodahil hindi iyon gawaing lalaki, pero ako nagkukusa lang. Busy kasi ako sa studies ko as a third year student noon, at ayoko ng lagging nauutusan. Kaya siya na lamang ang umaako at walang gala-galang mangyayari.
Hanggang humantong ang lahat sa isang araw, February 22, na may natuklasang hindi maganda ang hipag kong si Loina, asawa ng brother ko, sa isang telephone bill ng PLDT. Issue iyon yata ng January 2009 at February 2009 calls ng Spik Enterprises. Nagtataka ang sis-in-law ko kung bakit ang taas daw ng telephone bill simula noong birthday niya (January 3 ang birthday ng hipag ko) at na-shock pati ang mama ko tungkol doon. At noong araw din na iyon ay may naitanong sa akin na kung may tinatawagan ako na kaibigan na ang pangalan ay Nicole. Hindi ako nagkaroon ng phone patch kay Nikole Galdo gayong hindi ko naman alam ang telephone number niya, so pinagdudahan naming tatlo na ang Nicole na iyon ay walang iba kundi si Nicole Manalang, anak ng isang Grace Manalang na nagtitinda ng imported na aso sa SM Homes, na halos malapit lang sa amin, three houses lang naman. Doon natuklasan ng mama ko kung ano ang ginagawa ng pinsan ko, kaya pinaligpit lahat ng gamit niya sa akin, sa yaya ng niece ko at sa ate ko. Sa unit ng ate ko itinago ang lahat ng gamit ng pinsan ko, including ang damit, at iba pang gamit niya. Hindi nakuha ang gadgets niyang cellphone na mumurahin at isang MP5 na dapat sana ay magiging forfeited at ibebenta sa sanlaan para pambayad sa ginawa niyang iyon. Pero huli na ang lahat, dala niya ang gadgets niya para sa sariling kaligayahan.
Nag-usap ang parent ko at parent ni Nicole, tungkol sa scandal na nangyari. Buti na lamang at nakukumpiska ng nanay ni Nicole ang cellphones nila kung may lalaki sila, at doon nalaman na si Josam lang ang ka-text. Minsan kasi, sumasagot ito sa nanay niya kaya parang duda siya rito.
Umuwi ang pinsan ko habang naghuhugas ako ng ilalim ng kaldero para pagsaingan, ako lang kasi ang laging naiiwan sa ibaba ng unit namin twing gabi, at hindi na bago sa akin iyon, since Grade Four pa lamang ako ay nakapag-iisa na ako sa bahay namin. Bigla siyang kumatok at sinabi kong “Ma, nandyan na si Josam.” Sabi ng mama ko ay maghintay siya sa baba at kakausapin siya ng mother ko. At doon nagsimula ang storya. Inamin niya na siya ang tumatawag kay Nicole via telephone kapag nakakaligtas siya sa akin, or sa mama ko. At sinabi ng mama ko na ang pinakamalaking nagastos ng pinsan ko ay 600+ kakatawag sa syota niya. At sinapok pa siya ng papa ko. Ako, wala akong malay ng oras na iyon. Pagkatapos, binigyan niya ng isangdaang piso ang pinsan ko para umuwi sa tita Eden ko na nasa Bocaue, Bulacan.
Pagkatapos ay pina-ban na ng papa ko through guard ng SM Homes ang pinsan ko para hindi na muling madamay ang maraming babaeng nakakakilala kay Josam lalo na si Nicole, at ang family namin. Nakakahiya nga kami kung tutuusin eh, dahil sa kanya.
Sorry sa mga nakakaalam nitong story at wag naman sanang ma-offend ang mga gangsters na makababasa nito. Nyayon pa lamang ay mag-aapologize na ako sa mga nakabasa nito. Gusto ko lamang kasi maalala ko ang pinsan ko mula pagkabata hanggang katapusan at ayoko na siyang maalala. Itinakwil ko na siya sa isip ko at sa kilos ko. Ayoko ring may magreklamo pa sa akin na gangster dahil para din sa inyo din ito. Kung wala kayong magagawang mabuti, wala rin kayong kinabukasan para sa hinaharap na panahon.
Sinasabi ko, ngayon pa lamang ay nag-apologize na ako.
May
29
Two weeks to go before classes
May 29, 2009 | Tagged school | Leave a Comment
Kumusta naman ang mga taong naghahanda ng kani-kanilang preparations for the upcoming school year? I’m sure, aligaga ang ibang tao diyan na sa June 1 na ang school opening, at ang iba ay June 8 or 9 dahil Independence day sa June 12.
Anyway, ang pinsan kong babae na nasa Lucena, Quezon ay mag-aaral na sa first year high school sa isang Chinese school. June 8 ang pasukan nila, pero I’m sure, magiging June 9 ang pasok nila dahil baka I-move ang 8 sa June 9. And, ako, mag-aaral na bilang isang fourth year student sa same school (SJCNI) sa June 15.
Gosh, June 15. Well, nagbigay na ng reminders ang school ko tungkol sa mga activities naming lahat sa darating na school opening kagaya ng walang kamatayang thanksgiving mass, student orientation at iba pang kaimawan ng nasabing school.
Pero gaano ba ka-importante ang isang school opening preparations? Simple lang, may system akong tinatawag na Final Preparations, kung saan ang lahat ng new inventories at old inventories ay pinagsasama para maging fully cooperated ang kada plano, at mga pera na gagastusin para sa darating na pasukan. Well, para sabihin ko sa inyo, pwede niyo itong gayahin kahit paiba-iba ang mga datos ng plano ninyo kasabay ng event na rush na rush talaga kayo.
Paraan ng set-up ng final preparations:
- Itanong sa school na papasukan ninyo kung kailan ang school opening, para mai-schedule na ang final preparations. Hanggang limang araw lamang ang maaaring ilagay sa calendar ninyo sa cellphone, paper calendar or any calendar basta pwedeng markahan.
- Itanong sa anak kung anu-ano ang mga new inventories na kailangan niya kagaya ng school supplies, school uniforms at iba pa. Makakatulong ito para isa-isahan lamang ang paggastos.
- I-plano or I-drill na ang mga sumusunod na preparasyon para sa nalalapit na school opening. Mas madali kung mag-uusap kayo ng iyong nanay or kung sino man ang gumagastos para sa inyo.
- Isama sa final preparations ninyo ang paghahanap ng old inventories. Hindi naman required ang magsuot o gumamit ng new inventories as long as maayos pa ang inventories na luma na. Kung ano ang talagang luma na, bumili na ng bago or maghagilap ulit ng lumang inventory kagaya ng school supplies at school uniforms. Maari rin kayong gumamit ng second-hand na libro kung walang-wala talaga kayo.
- Itanong na rin sa papasukang school ang mga librong gagamitin for the whole school year. Tignan na rin ang editions, itsura at publishing house ng nasabing libro para maaari kayong maghagilap ng libro sa mga kapit-bahay ninyo, sa Recto bumili, or kung ano ang murang libro, bilhin na lamang sa school.
- Maaaring utusan ang sarili na maglaba ng lumang damit, ayusin ang school bag, maghagilap ng school supplies at iba pa kung sakaling dalawang araw na ang nalalabi bago ang school opening. Huwag iaasa sa iba ang paghahagilap dahil baka maling items/inventories ang kanilang makuha para ibigay sa inyo.
- Kapag nakahiram na ng mga libro sa kapit-bahay, silipin muna kung kulang ang mga pages para sa ganoong paraan ay hindi na mahihirapang maghagilap o bumili ng bagong libro, bagkus ay silipin ang ibang libro at kung may difference na nakita, agad ipa-photocopy ito sa malapit na Xerox shop. Dalawang piso lamang ang Xerox.
- Kapag nangyari ito lahat nang tamang-tama ayon sa inyong plano, palakpakan ang inyong sarili at nagawa ninyo ang mga preparasyon. Maaari kayong magdagdag ng mas marami pa ditto na hindi ko na nailagay ditto.
NOTE: Hindi kayo obligadong gayahin ang mga nakasaad sa Final Preparations, at maaari niyo itong gayahin kung gugustuhin ninyo dahil hindi naman makakasama ito sa inyong araw-araw na gastusin. At mas maganda kung maglalagay kayo ng ibang preparasyon na hindi nakasaad dito.
May
21
Ang Muling Pagbabalik
May 21, 2009 | | Leave a Comment
Whew, malapit nanaman ang pasukan, noh?
Ok lang na walang nagbabasa ng posts ko dahil gusto ko talagang may design trends ang profile ko kahit simple lang, at dinelete ko na lahat ng blogs ko na pang-2008 dahil expired na ung mga de-lata.
Eto ako, nakapag-enroll na sa St. Joseph College of Novaliches, Inc. kaninang 11:00am. Dapat nga eh May 28 ako mag-eenroll pero pinilit ako ng madir ko dahil depressed xa ngaung mga nakaraang araw. Kaya, three thousand pesos na ang downpayment upon enrollment ko para sa fourth year ko. And, munting kalituhan lang ang nangyari dahil un pala eh inuubos na nila ung form last school year, kaya may pagkalito talaga ang form sa enrollement form at ung books, tumataginting FIVE THOUSAND EIGHT HUNDRED TWENTY TWO ang presyo. Whew, kasi pala, pati inventory ng journal at activity sheets eh isinama na rin kasi baka salat na sila sa papel kea nag-fee na din sila.
Un ang ibinalitang presyo sa akin ni Regine, classmate ko nung third year high school through text. Ang mahal nga eh, kaya sa Recto ako bibili ng libro ko para sa pasukan, bibili na lang ako ng items 11-15 sa school (ooops, hindi nyo po alam ung items).
UPDATES:
- reregister ako ng locker. ang hirap kea dalhin ng gamit ko!
- unti lang school supplies ko.
Hehe. Sana naman walang mag-comment sa lahat ng posts ko!
May
21
Assassin’s story
May 21, 2009 | | Leave a Comment
This is my first blog in this year 2009.
Anyway, this is a assassin’s story.
BEWARE: Tagalog language. Learn Tagalog first.
Ilang taon na rin akong naging assassin sa buong buhay ko. Minsan, taga-silip ng mga tsismis tungkol sa school, family, and other things na kailangang may tsismis tungkol dun. Sa school, lagi akong may espiya ako na maram ang bilang, ang iba ay nawala na dahil graduated na. Then sa family, hindi na kailangan dahil matalas naman ang mata ko kahit malabo ang aking mga mata.
Pero ang hinahangad kong pangarap bilang isang assassin ay kundi maging si March Marciano (ung android sa Coyote Ragtime Show) na may hawak na FN Minimi na baril, armalite yata un eh. Gusto kong makahawak ng FN Minimi kahit AIRSOFT MACHINE (?!) lang ok na un skin. Basta ayoko ng totoong FN Minimi dahil mabeegat un at tsaka, hindi tamang humawak ka ng nakamamatay na armalite. Kahit AIRSOFT lang ok na un eh.
Oh, di kaya maging si April or September Marciano (same series), na may hawak na rifle at bayoneta or pistol, ok na un sa akin eh. Pero xempre, ayoko ng totoong baril.
This is my first blog this 2009. Dinelete ko na ung mga posts ko na pang-2008 kasi napapanis at matagal nang expired ang mga blog na un eh.