Gangsters are not allowed in the family

Dapat February 2009 ko pa ito nai-post, kaya lang eh tinatamad akong magbukas ng Friendster blog ko nung February kaya aun, eto at gumagawa ng bagong issues tungkol sa mga kaganapan this year mula January to May 2009.

 

This story ay tungkol sa isang taong malapit sa akin na ginawang walang isip ang kanyang sarili, at nagparaya sa lovelife, academics, trabaho at iba pa. Dahil doon ay naganap ang isang hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng mga Rodriguez (clan’s maiden name nmin yan lahat, mula sa Adriano family hanggang sa kahuli-hulihang family) at sa aming mga Eumague.

 

Ipinapakilala ko nga pala si Josam Alivio, isang batang napariwara ang buhay dahil ang estadong conservative niya ay nabago ng isang hindi kanais-nais na hindi nagugustuhan ng family members ko, especially sa amin ng madir ko. Ayaw namin kasi ang style niya kung manamit kapag nagtatrabaho at gumagala, ang mga kanta niya na kahit alam ko ay ayaw ko dahil sensitibo ang tainga ko sa rocks, pinipili ko lang ang mga magaganda ang quality ng rock melodies. Ayaw rin namin ng mama at papa ko ang ibang ugali niya. Ibig sabihin, gangster siya. Kagaya siya ng mga gangsters na naglipana sa CaloocanCity, lalung-lalo na sa SM Homes sa kanyang termino.

 

Twing umaga, sisigawan siya ng mama ko na gumising na dahil tanghali na at kailangang magbanat ng buto, syempre para may sweldo siya sa karaniwang buhay, ang iba ay maipangtutustos sa pag-aaral ko, iipunin ng mother and father ko sa kanilang pagtanda, at iba pang bagay na ibig iutos ng mama ko. Everyday iyon, hanggang humantong na sa paglalakwatsa or paggagala sa iba’t-ibang lugar. Dumadayo lang ang pinsan ko para kumain, pero pagkatapos ay mawawala nang parang bula. Pero minsan, kapag mahaba ang oras niya, siya mismo ang pinaghuhugas ko ng pinggan kasi dahil ayaw kong mabasa ako masyado ng tubig dahil nagkakaroon ako ng sipon na kagaya ng sa karaniwan, or sinusitis. Mahirap ang kalagayan ko kapag may sakit ako. Tapos, ayaw ko ring pinaghuhugas ang mama ko dahil matanda na at masisira ang manicure na ginagawa ng sister ko sa twing napapansin niyang wala nang kulay ang kuko ng mama ko. At lalung-lalo na sa tatay ko, ayaw niyang naghuhugas ng pinggan dahil brusko pero hindi naman masyado, ayaw talaga ng tatay kodahil hindi iyon gawaing lalaki, pero ako nagkukusa lang. Busy kasi ako sa studies ko as a third year student noon, at ayoko ng lagging nauutusan. Kaya siya na lamang ang umaako at walang gala-galang mangyayari.

 

Hanggang humantong ang lahat sa isang araw, February 22, na may natuklasang hindi maganda ang hipag kong si Loina, asawa ng brother ko, sa isang telephone bill ng PLDT. Issue iyon yata ng January 2009 at February 2009 calls ng Spik Enterprises. Nagtataka ang sis-in-law ko kung bakit ang taas daw ng telephone bill simula noong birthday niya (January 3 ang birthday ng hipag ko) at na-shock pati ang mama ko tungkol doon. At noong araw din na iyon ay may naitanong sa akin na kung may tinatawagan ako na kaibigan na ang pangalan ay Nicole. Hindi ako nagkaroon ng phone patch kay Nikole Galdo gayong hindi ko naman alam ang telephone number niya, so pinagdudahan naming tatlo na ang Nicole na iyon ay walang iba kundi si Nicole Manalang, anak ng isang Grace Manalang na nagtitinda ng imported na aso sa SM Homes, na halos malapit lang sa amin, three houses lang naman. Doon natuklasan ng mama ko kung ano ang ginagawa ng pinsan ko, kaya pinaligpit lahat ng gamit niya sa akin, sa yaya ng niece ko at sa ate ko. Sa unit ng ate ko itinago ang lahat ng gamit ng pinsan ko, including ang damit, at iba pang gamit niya. Hindi nakuha ang gadgets niyang cellphone na mumurahin at isang MP5 na dapat sana ay magiging forfeited at ibebenta sa sanlaan para pambayad sa ginawa niyang iyon. Pero huli na ang lahat, dala niya ang gadgets niya para sa sariling kaligayahan.

 

Nag-usap ang parent ko at parent ni Nicole, tungkol sa scandal na nangyari. Buti na lamang at nakukumpiska ng nanay ni Nicole ang cellphones nila kung may lalaki sila, at doon nalaman na si Josam lang ang ka-text. Minsan kasi, sumasagot ito sa nanay niya kaya parang duda siya rito.

 

Umuwi ang pinsan ko habang naghuhugas ako ng ilalim ng kaldero para pagsaingan, ako lang kasi ang laging naiiwan sa ibaba ng unit namin twing gabi, at hindi na bago sa akin iyon, since Grade Four pa lamang ako ay nakapag-iisa na ako sa bahay namin. Bigla siyang kumatok at sinabi kong “Ma, nandyan na si Josam.” Sabi ng mama ko ay maghintay siya sa baba at kakausapin siya ng mother ko. At doon nagsimula ang storya. Inamin niya na siya ang tumatawag kay Nicole via telephone kapag nakakaligtas siya sa akin, or sa mama ko. At sinabi ng mama ko na ang pinakamalaking nagastos ng pinsan ko ay 600+ kakatawag sa syota niya. At sinapok pa siya ng papa ko. Ako, wala akong malay ng oras na iyon. Pagkatapos, binigyan niya ng isangdaang piso ang pinsan ko para umuwi sa tita Eden ko na nasa Bocaue, Bulacan.

 

Pagkatapos ay pina-ban na ng papa ko through guard ng SM Homes ang pinsan ko para hindi na muling madamay ang maraming babaeng nakakakilala kay Josam lalo na si Nicole, at ang family namin. Nakakahiya nga kami kung tutuusin eh, dahil sa kanya.

 

Sorry sa mga nakakaalam nitong story at wag naman sanang ma-offend ang mga gangsters na makababasa nito. Nyayon pa lamang ay mag-aapologize na ako sa mga nakabasa nito. Gusto ko lamang kasi maalala ko ang pinsan ko mula pagkabata hanggang katapusan at ayoko na siyang maalala. Itinakwil ko na siya sa isip ko at sa kilos ko. Ayoko ring may magreklamo pa sa akin na gangster dahil para din sa inyo din ito. Kung wala kayong magagawang mabuti, wala rin kayong kinabukasan para sa hinaharap na panahon.

 

Sinasabi ko, ngayon pa lamang ay nag-apologize na ako.

 



Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.