Two weeks to go before classes

May 29, 2009 |  Tagged |

Kumusta naman ang mga taong naghahanda ng kani-kanilang preparations for the upcoming school year? I’m sure, aligaga ang ibang tao diyan na sa June 1 na ang school opening, at ang iba ay June 8 or 9 dahil Independence day sa June 12.

 

Anyway, ang pinsan kong babae na nasa Lucena, Quezon ay mag-aaral na sa first year high school sa isang Chinese school. June 8 ang pasukan nila, pero I’m sure, magiging June 9 ang pasok nila dahil baka I-move ang 8 sa June 9. And, ako, mag-aaral na bilang isang fourth year student sa same school (SJCNI) sa June 15.

 

Gosh, June 15. Well, nagbigay na ng reminders ang school ko tungkol sa mga activities naming lahat sa darating na school opening kagaya ng walang kamatayang thanksgiving mass, student orientation at iba pang kaimawan ng nasabing school.

 

Pero gaano ba ka-importante ang isang school opening preparations? Simple lang, may system akong tinatawag na Final Preparations, kung saan ang lahat ng new inventories at old inventories ay pinagsasama para maging fully cooperated ang kada plano, at mga pera na gagastusin para sa darating na pasukan. Well, para sabihin ko sa inyo, pwede niyo itong gayahin kahit paiba-iba ang mga datos ng plano ninyo kasabay ng event na rush na rush talaga kayo.

 

Paraan ng set-up ng final preparations:

 

-          Itanong sa school na papasukan ninyo kung kailan ang school opening, para mai-schedule na ang final preparations. Hanggang limang araw lamang ang maaaring ilagay sa calendar ninyo sa cellphone, paper calendar or any calendar basta pwedeng markahan.

-          Itanong sa anak kung anu-ano ang mga new inventories na kailangan niya kagaya ng school supplies, school uniforms at iba pa. Makakatulong ito para isa-isahan lamang ang paggastos.

-          I-plano or I-drill na ang mga sumusunod na preparasyon para sa nalalapit na school opening. Mas madali kung mag-uusap kayo ng iyong nanay or kung sino man ang gumagastos para sa inyo.

-          Isama sa final preparations ninyo ang paghahanap ng old inventories. Hindi naman required ang magsuot o gumamit ng new inventories as long as maayos pa ang inventories na luma na. Kung ano ang talagang luma na, bumili na ng bago or maghagilap ulit ng lumang inventory kagaya ng school supplies at school uniforms. Maari rin kayong gumamit ng second-hand na libro kung walang-wala talaga kayo.

-          Itanong na rin sa papasukang school ang mga librong gagamitin for the whole school year. Tignan na rin ang editions, itsura at publishing house ng nasabing libro para maaari kayong maghagilap ng libro sa mga kapit-bahay ninyo, sa Recto bumili, or kung ano ang murang libro, bilhin na lamang sa school.

-          Maaaring utusan ang sarili na maglaba ng lumang damit, ayusin ang school bag, maghagilap ng school supplies at iba pa kung sakaling dalawang araw na ang nalalabi bago ang school opening. Huwag iaasa sa iba ang paghahagilap dahil baka maling items/inventories ang kanilang makuha para ibigay sa inyo.

-          Kapag nakahiram na ng mga libro sa kapit-bahay, silipin muna kung kulang ang mga pages para sa ganoong paraan ay hindi na mahihirapang maghagilap o bumili ng bagong libro, bagkus ay silipin ang ibang libro at kung may difference na nakita, agad ipa-photocopy ito sa malapit na Xerox shop. Dalawang piso lamang ang Xerox.

-          Kapag nangyari ito lahat nang tamang-tama ayon sa inyong plano, palakpakan ang inyong sarili at nagawa ninyo ang mga preparasyon. Maaari kayong magdagdag ng mas marami pa ditto na hindi ko na nailagay ditto.

 

NOTE: Hindi kayo obligadong gayahin ang mga nakasaad sa Final Preparations, at maaari niyo itong gayahin kung gugustuhin ninyo dahil hindi naman makakasama ito sa inyong araw-araw na gastusin. At mas maganda kung maglalagay kayo ng ibang preparasyon na hindi nakasaad dito.

 

 


Comments



You must be logged in to post a comment.

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind